Malakanyang, tanggap ang mababang resulta ng latest Pulse Asia survey ng Pangulo

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 1646

COLOMA_BOI 031215

Tanggap ng Malakanyang ang pagsadsad ng approval at trust ratings ni Pangulong Noynoy Aquino sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ng Pulse Asia ang naturang survey noong Marso 1 hanggang 7 sa kasagsagn ng isyu ng pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP – Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ilang private armed groups.

“These ratings reflect public sentiment arising from the PNP-SAF’s operations to capture international terror suspects in Mamasapano, Maguindanao”, ani Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Dagdag pa ni Coloma, patuloy silang magpapaliwanag kaugnay ng Mamasapano incident. “Kaya nga po patuloy pa rin naman ang pagbibigay ng paliwanag doon sa ilang mga aspeto ng pangyayari kung saan ay marami pa ring agam-agam”.

Pero ayon pa kay Coloma, kumpara sa huling bahagi ng panungungkulan ng mga nakalipas na pangulo na sina Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, mas mataas pa rin ang nakuhang ratings ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , ,