Pinabulaanan ng Malakanyang ang akusasyon ng China na nakikialam ang Estados Unidos sa arbitration process kaugnay ng West Philippine sea dispute.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Junior, walang basehan ang akusasyong ito ng China.
Dagdag pa nito, nagpahayag lang ang Estados Unidos ng kanilang pagsuporta sa mapayapang pagresolba sa isyu ng territorial dispute sa pamamagitan ng paghikayat sa mga sangkot na partido na i-respeto ang rule of law at sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS.
Ang akusasyon na ito ng China ay nag-ugat sa noong pagpahayag ng suporta ang mga kasapi sa Group of Seven o G-7 sa mapayapang pagresolba sa territorial row sa East Sea at West Philippine Sea sa kanilang annual summit noong nakaraang linggo.
(UNTV RADIO)
Tags: arbitration case, United Nations Convention on the Law of the Seas