Malakanyang, naninindigang walang mali sa hakbang ni Pangulong Aquino sa usapin ng operasyon sa Mamasapano

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 1086

COLOMA
Naninindigan ang Malakanyang na walang mali sa mga hakbang ni Pangulong Aquino sa usapin ng operasyon sa Mamasapano.

Ito ang naging reaksyon ng malakanyang sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ukol sa naging operasyon sa Mamasapano noong January 25 nang nakaraang taon na nagresulta ng pagkasawi ng SAF44 at sa naging pahayag ni Senator Juan Ponce Enrile na pinagtatakpan ng Pangulo ang kaniyang sarili sa responsibilidad sa misyon sa Mamasapano.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Sonny Coloma, hinarap ni Pangulong Aquino ang lahat ng mga bagay patungkol sa insidente sa Mamasapano.

Umaksyon rin ng tama ang Pangulo ukol sa bagay na ito.

Tags: , , , ,