Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kay female weightlifter Hidilyn Diaz matapos masungkit ang silver medal sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 3939
Female weightlifter Hidilyn Diaz(REUTERS)

Female weightlifter Hidilyn Diaz(REUTERS)

Nagpa-abot ng pagbati ang Malakanyang kay female weightlifter Hidilyn Diaz matapos masungkit ng Filipina athlete ang silver medal sa 2016 olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipinagmamalaki at ikinararangal ng palasyo at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ni Diaz.

Aniya, dumating na talaga ang pagbabago matapos wakasan ni diaz ang dalawampung taong pagka-uhaw ng bansa sa medalya sa nasabing palaro.

Ito na ang ikatlong silver medal na nakuha ng Pilipinas sa olympics simula noong taong 1964.

Tags: , , , , ,