Malakanyang, kumpyansang magiging madali ang pangangampanya ng Liberal Party

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 9004

LIBERAL-PARTY
Maraming isinaalang-alang ang Liberal Party bago maisapinal ang line up ng mga sasabak sa 2016 national elections.

Kahit ang mga itinuturing na baguhan sa pagtakbo sa mataas na posisyon o sa pagka-senador ay pinag-aralan ding mabuti ng partido.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, isinaalang alang dito ang pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga mahahalagang stakeholder group.

Inihalimbawa ng Malakanyang sina COOP NATCCO Representative Cresente Paez at DILG Assistant Secretary Nariman Ambolodto na kumakatawan sa Bangsamoro community.

Paliwanag pa ni Secretary Coloma ang naging batayan rin ang mga kakayahan ng mga bawat kandidato.

Kaya ayon sa Malakanyang, magiging madali ang pangangampanya maging ni Pangulong Aquino sa komposisyon ng LP Slate para sa darating na halalan.

Sinabi naman ni LP Chairman for Political Affairs Caloocan Representative Edgar Erice, na may sapat pang panahon upang maipakilala sa taumbayan ang kakayahan ng pambato ng administrasyon sa darating na halalan. ( Nel Maribojoc / UNTV News )

Tags: , ,