Malakanyang, hindi magbabago ng stratehiya sa pagresolba sa usapin sa West Philippine Sea

by dennis | May 22, 2015 (Friday) | 1890
File photo
File photo

Muling nanindigan ang Malacañang na dadaanin pa rin ng pamahalaan sa mapayapang paraan ang pagresolba sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pres. Communications Sec. Herminio Coloma Jr., nakipagpulong na si Pangulong Aquino sa kaniyang legal team para pagusapan ang naturang isyu.

Ani Coloma, Nakasentro pa rin umano ang naturang pagpupulong sa hakbang ng Pilipinas na daanin sa diplomatikong paraan kahit na nagpapatuloy ang pagtatayo ng China ng mga facility at umano’y base militar sa bahagi ng Spratly Islands.

Dagdag pa ni Coloma, Patuloy na nagaantabay ang pamahalaan sa magiging pasya sa inihaing petisyon ng bansa sa UN Arbitral Tribunal at pinagaaralan din ang posisyon ng bansa hinggil sa pagbubuo ng legally binding ASEAN Code of Conduct sa mga disputed territories.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: , , ,