Malakanyang at Liberal Party, walang kinalaman sa diskwalipikasyon ni Sen. Grace Poe – Sec. Lacierda

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 1582

EDWIN-LACIERDA
Naninindigan ang Malakanyang na wala itong kinalaman maging ang Liberal Party sa desisyon ng Comelec 2nd Division na i-disqualify si Senator Grace Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.

Ayon pa kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, aabangan nila ang magiging development sa kaso ni Poe hanggang sa makaabot ito sa Korte Suprema.

Dagdag pa ng alakanyang na anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case ni Poe ay marapat na igalang.

“We understand that Senator Poe’s legal counsel will pursue and exhaust all remedies available to them, as is their right in this process. We believe that sobriety and respect for the law and its processes are the best way forward for all parties concerned.” pahayag ni Lacierda. ( Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,