Malagong tourism industry, malaki ang naitutulong sa ordinaryong mamamayan – Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1556

DARLENE_PNOY
Sa unang araw ng ginaganap na ASEAN Tourism Forum sa bansa, ibinida ni Pangulong Aquino sa mga delegado ang lalo pang paglago ng turismo sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Tourism, tumaas ng nasa ten percent o 5.36 million ang bilang ng mga tourist arrivals noong isang taon.

Kasabay nito, tumaas din ang kita mula sa naturang sektor na umabot ng limang bilyong piso.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang malagong tourism industry ay nakatutulong ng malaki sa mga ordinaryong mamayaman sa bansa.

Kasabay nito, hinikayat rin ng Pangulo ang mga delegado mula sa iba’t ibang ASEAN Region na isakatuparan ang theme ng ATF ngayong taon na “one community for sustainable”.

Iminungkahi nito na gumawa ang mga ASEAN Country ng mga hakbangin na magpapanatili ng maayos na ecosystem sa kanilang bansa.

Ang ASEAN Tourism Forum o ATF Travex 2016 ay nagsimula kahapon at tatagal hanggang bukas.

Kabilang sa mga dumadalo rito ay ang mga delegado ng ASEAN National Tourism Organizations at Tourism Ministers.

Tags: , ,