Malacañang, umapela sa publiko na ikonsidera muna ang implementasyon ng HOV policy

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 4015

Sa halip na batikusin, nakiusap ang Malacañang sa publiko na suportahan muna ang planong implementasyon ng High Occupany Vehicle (HOV) policy sa EDSA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinapaubaya ni Pangulong Duterte sa kaniyang gabinete ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto nito para solusyunan ang mga suliraning kinakaharap gaya ng HOV. Hindi naman aniya ito iligal at ginagawa na rin sa ibang bansa.

Una nang naghain ng resolusyon sina Senate President Tito Sotto III at iba pang mga senador na layong pigilan ang napipintong implementasyon ng HOV.

Bukod pa rito, tinuligsa rin ni Buhay Representative Lito Atienza ang panukalang ito ng MMDA.

Ayon sa kongresista, hindi dapat ipasa sa publiko ang responsibilidad at pahirapan ang mga motorista, kundi dapat mag-isip ng ibang paraan ang MMDA.

Ayon naman sa MMDA, pinag-aaralan na nilang repasuhin ang mga regulasyon ng HOV bago ang planong full implementation nito sa ika-23 ng Agosto.

Una na ring sinagot ng ahensya na handa nilang sundin anoman ang magiging desisyon alinsunod sa batas.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,