METRO MANILA – Nagtrending sa social media ang mga larawan ng pagdagsa ng mga residente sa ilang mall at shopping center sa Metro Manila noong Sabado (May 16), ang unang araw ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga naglalakbay na sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
Kaya naman pinayuhan ng Malacañang ang publiko na wag maging kampante at sundin ang health protocols.
Iginiit din ng palasyo na kaya unti-unting niluwagan ang Coronavirus restrictions dahil sa ekonomiya at di dahil ligtas na sa panganib ng COVID-19.
Aminado naman ang tapagsalita ng National Task Force Against (NTF) COVID-19 Retired Major General Restituto Padilla na nakakabahala ang mga insidenteng ito.
Dagdag pa ng opisyal, tila hindi naiintindihan ng ibang mga kababayan ang panganib ng muling pagkalat ng coronavirus disease.
“Hindi dapat ganiyan ang maging reaksyon ng ating mga kababayan dahil hindi pa ito ang oras para ganap na lumabas at pumunta sa mga lugar na pinuntahan kahapon. Yung social at physical distancing na sinasabi natin, naging absent kaagad overnight at parang may mga lugar pang nalimutan ng mga tao, siguro sobrang excitement nila, di na nagmask” ani NTF COVID-19 Spokesperson Retired Major General Restituto Padilla.
Umapela rin ito publiko na huminahon, sundin pa rin ang quarantine protocols at lumabas lang ng bahay kung sadyang kinakailangan.
Ito ay upang huwag ding maisantabi ang ginawang sakripisyo ng publiko at gobyerno sa loob ng dalawang buwan.
“Pag tayo po hindi nag-ingat at di rin nakisama ang mga business establishments, ang mangyayari po sa pagkalat na naman ng sakit, babalik at babalik na naman tayo sa mas mahigpit na tinatawag na community quarantine. Kaya yung mga negosyante, alam po nating kailangan po natin bumalik pero ibayong pag-iingat ang kailangan…”
Nagtrending sa social media ang mga larawan ng pagdagsa ng mga residente sa ilang mall at shopping center sa Metro Manila noong Sabado (May 16), ang unang araw ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga naglalakbay na sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
Kaya naman pinayuhan ng Malacañang ang publiko na wag maging kampante at sundin ang health protocols.
Iginiit din ng palasyo na kaya unti-unting niluwagan ang Coronavirus restrictions dahil sa ekonomiya at di dahil ligtas na sa panganib ng COVID-19.
Aminado naman ang tapagsalita ng National Task Force Against (NTF) COVID-19 Retired Major General Restituto Padilla na nakakabahala ang mga insidenteng ito.
Dagdag pa ng opisyal, tila hindi naiintindihan ng ibang mga kababayan ang panganib ng muling pagkalat ng coronavirus disease.
“Hindi dapat ganiyan ang maging reaksyon ng ating mga kababayan dahil hindi pa ito ang oras para ganap na lumabas at pumunta sa mga lugar na pinuntahan kahapon. Yung social at physical distancing na sinasabi natin, naging absent kaagad overnight at parang may mga lugar pang nalimutan ng mga tao, siguro sobrang excitement nila, di na nagmask” ani NTF COVID-19 Spokesperson Retired Major General Restituto Padilla.
Umapela rin ito publiko na huminahon, sundin pa rin ang quarantine protocols at lumabas lang ng bahay kung sadyang kinakailangan.
Ito ay upang huwag ding maisantabi ang ginawang sakripisyo ng publiko at gobyerno sa loob ng dalawang buwan.
“Pag tayo po hindi nag-ingat at di rin nakisama ang mga business establishments, ang mangyayari po sa pagkalat na naman ng sakit, babalik at babalik na naman tayo sa mas mahigpit na tinatawag na community quarantine. Kaya yung mga negosyante, alam po nating kailangan po natin bumalik pero ibayong pag-iingat ang kailangan” ani NTF COVID-19 Spokesperson Retired Major General Restituto Padilla.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: malacanang, Quarantine Protocols