Malacañang, umaasang mabibigyan na ng hustisya ang mga biktima ng Ampatuan Massacre Bukas (Dec. 19)

by Erika Endraca | December 18, 2019 (Wednesday) | 10159

METRO MANILA – Ibababa na bukas (Dec. 19) ng Korte ang hatol laban sa mga akusado sa pinakamatinding election-related violence sa bansa, ang Ampatuan Massacre, umaasa ang Malacañang na magkakaroon ng paborableng desisyon para sa mga biktima.

November 23, 2009 nang paslangin ang 58 indibidwal kabilang ang 32 mamamahayag sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Sa December 19, ilalabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hatol laban sa higit 100 akusado sa karumal-dumal na krimen.

“The court will decide on the basis of evidence and we hope that justice will be given to the parties especially the prosecution” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Ayon din sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi mahalaga kung kaninong administrasyon naihain ang hustisya.

Si Panelo ay isa sa mga dating abogado ni Andal Ampatuan Jr. Na isa sa mga itinuturing na prime suspek sa karumal-dumal na pamamaslang.

“Regardless of who’s administration, justice should always prevail” ani  Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Higit isang dekada na ang nakalipas mula ng mangyari ang Ampatuan Massacre.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: