Malacañang, umaasang hindi na mahahadlangan at maaantala ang pagpapapasa ng Bangsamoro Basic Law sa Hulyo

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 1236

SEN MARCOS
Plano pang pag-aralan ng husto ng Chairman ng Committee on Local Government na si Senator Bongbong Marcos ang detalye ng pondo na ilalaan sa itatag na Bangsamoro government na ipapalit sa ARMM.

Ayon sa senador, kailangang madetermina ang pondong ilalaan sa bangsamoro government batay sa magiging trabaho at kapangyarihan nito.

Isa lamang ito sa mga probisyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law na kinukwestyon ng senador.

Umaasa naman ang Malakanyang na anuman ang mga kwestyon o hindi pagkakaunawaan sa ilang probisyon sa naturang panukalang batas ay magkaroon na ng linaw bago dumating ang Hulyo na bagong target na maipasa ang kontrobersyal na BBL.

Tags: