Tiwala ang Malacañang na makakabawi ang peso currency kontra dolyar dahil papalapit na ang holiday season.
Ito ay matapos lumabas ang projection report na maaaring umabot sa limampu’t walong piso ang palitan ng piso kontra dolyar dahil sa pagtindi ng trade-in-goods deficit bunga ng Build, Build, Build infrastructure program ng Duterte administration.
Ngayong araw ay mahigit limampu’t apat na piso pa rin ang katumbas ng isang dolyar.
Tags: dolyar, Duterte administration, Malacañang