Malacañang, tiniyak na walang whitewash o cover-up sa imbestigasyon sa kaso ng Korean kidnap victim

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1106

ABELLA
Tiniyak ng Malakanyang na walang whitewash o cover-up sa imbestigasyon sa pagdukot at pagpaslang sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi kunkusintihin ang mga tiwali at abusadong pulis na sumisira sa imahe ng pambansang pulisya.

Una nang sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na mananagot sa batas ang mga police scalawag na gumagawa ng karumaldumal na krimen.

Tags: ,