Malacañang, sinususpinde ang klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 20, 2018 (Tuesday) | 5708

Sinususpinde ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw.

Batay sa pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahilan ito ng bantang tigil-pasada ng ilang transport groups.

Labas ng Metro Manila, ipinauubaya na ng Malacañang sa mga lokal na pamahalaan ang desisyon kung sususpindihin o hindi ang pasok sa kanilang mga paaralan.

Direktiba rin aniya ni Pangulong Duterte na kanselahin ang pasok sa mga paaralan kahit may bahagya lamang na banta ng transport strike upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Desidido rin aniya ang pamahalaang ipatupad ang modernization ng public utlitiy vehicles at hindi magpapaapekto sa ibang transport groups.

Ayon naman sa lider ng transport group ng PISTON na si George San Mateo, wala na silang transport strike ngayong araw.

Tags: , ,