Malacañang sa plano ni Cong. Paolo Duterte na tumakbong sa house speaker: bawat tao ay may karapatang tumakbo para sa posisyon

by Erika Endraca | July 3, 2019 (Wednesday) | 3932

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng malacañang na bawat tao ay may karapatang tumakbo lalo na kung ito ay kwalipikado sa posisyon.

Matapos mai-anunsyo na plano ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte na tumakbo bilang house speaker.

Matatandaang una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw siya sa pwesto kapag tumakbong house speaker ang panganay na anak.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaari namang magbago ng isip ang punong ehekutibo gayundin ang anak na si congressman pulong.

“Every Person has the right to any position, if he is qualified, if he is elected, kaya (so he’s ok to run for speakership?) You cannot prevent people naman from running, now it’s between the father and the son, ibang usapan na yun. Pero as a general principle, if you are qualified to run then you can run ” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,