MANILA, Philippines – Pinagsusumite ng Malacañang ng memorandum si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga sumbong ng umano’y mga iregularidad sa Bureau of Corrections (BuCor).
Si Aquino ang naghayag na ipinasara ang PDEA unit sa New Bilibid Prison sa ilalim ng dating BuCor Chief at ngayo’y Senator Ronald Bato Dela Rosa upang i-transfer.
Binalak itong mabuksan muli sa panahon ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon subalit di natuloy dahil sa umano’y di magandang ugnayan sa pagitan nilang 2.
Di rin aniya sinang-ayunan ni Faeldon ang kaniyang panukala na ipa-drug test ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison liban na sa minimum security comppound.
“Has mr. Aquino submitted the memorandum to the president relative to that? (wala siyang sinabing nag-submit pero nagkausap sila.) You have to ask him first. If he has, then we will find out what action the president did.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | UNTV News)