Naging kontrobersyal ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes hinggil sa umano’y garantiya sa kaniya ng China na ipagtatanggol siya laban sa mga nagbabalak na patalsikin siya sa pwesto.
Ayon sa kaniyang pangunahing kritiko na si Sen. Antonio Trillanes IV, nagpapakita umano ito ng uri ng polisiya o pakikipag-ugnayang panlabas na isinusulong ng punong ehekutibo sa China.
Subalit paliwanag naman ng kampo at maging ng kaalyado ng pangulo, ang garantiya ng China na ibinigay kay Pangulong Duterte ay suporta laban sa ibang bansang nais panghimasukan ang internal affairs ng Pilipinas at magtangkang paalisin ang punong ehekutibo sa pwesto.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: China, Malacañang, Pangulong Duterte