Malacañang, nanindigang may hurisdiksyon ang court martial ng AFP kay Senador Trillanes

by Radyo La Verdad | September 6, 2018 (Thursday) | 2287

Nanindigan ang Malacañang na may hurisdiksyon ang court martial ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil walang bisa ang amnestiyang ipinagkaloob sa mambabatas noong 2010, babalik si Trillanes sa status nito bago nabigyan ng amnestiya.

Hindi rin aniya komo nagbitiw na sa military service si Trillanes ay nawala na ang kanyang pananagutan sa mga paglabag sa Articles of War noong siya ay sundalo pa, partikular na ang Oakwood mutiny noong 2003.

Pinabulaanan din ng Malacañang ang akusasyon ni Trillanes ukol sa umano’y nakaambang na pagdedeklara ng revolutionary government matapos ipawalang-bisa ang kanyang amnestiya.

 

Tags: , ,