Malacañang, nanindigan na hindi isinasantabi ng Pangulo ang WPS Arbitral Ruling kaugnay sa gagawing Joint Oil Exploration kasama ang China

by Erika Endraca | September 13, 2019 (Friday) | 2688
PHOTO: Presidential Communications

MANILA, Philippines – Tinuligsa muli  ng Malacañang si Former Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario dahil sa naging pahayag nito na labag sa saligang batas ang pagsasantabi sa West Philippine Sea Arbitral Ruling at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa para lamang makapagsagawa ng Joint Oil Exploration sa pinagtatalunang teritoryo kasama ang China, nag-ugat ang pahayag ng kalihim sa sinabi ni Pangulong Duterte.

Kasi ‘yang Exclusive Economic Zone is part of the Arbitral Ruling which we will ignore to come up with an economic activity.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging si Vice President Leni Robredo, nagkomento na nakakadismaya at lubhang iresponsable ang naging pahayag ng punong ehekutibo. Subalit, paliwanang ng palasyo, hindi isinasantabi ng pangulo ang desisyon ng The Hague Arbitral Tribunal at ang EEZ  ng bansa.

Bagkus, mananatili ang negosasyon ng Pilipinas at China kaugnay nito. Gayunman, di naman ito ang sentro sa ugnayan ng 2 bansa

“The setting aside doesn’t mean that we will abandon it. What the president means, as we have repeatedly said, and as he has said too, the arbitral ruling is still subject to talks between two countries, negotiation is ongoing peacefully, meanwhile we focus on other concerns may mutually benefit the two countries” ani Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,