Tinukoy ng Malacañang ang ilang balakid kung bakit nakakaranas ng mabagal na pagpapatayo ng pabahay para sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Yolanda noong 2013.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr, karamihan aniya sa mga tirahang nasalanta ng bagyong Yolanda ay nasa mga danger zone. Aniya, hindi maaaring makapagpatayo ng bahay sa mga naturang lugar dahil ipinapatupad dito ang patakarang ‘no build zone’.
Ayon pa kay Sec. Coloma , sinabi ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman na naaantala ang pagbibigay ng ayuda sa ibang mga biktima dahil sa ngayon ay hindi pa maiturnover ang pondo sa mga lokal na pamahalaan dahil sa unliquidated advances.
Dagdag pa ni Sec. Coloma, ginagawa naman aniya ng pamahalaan ang lahat ng paraan para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng naturang kalamidad.(Jerico Albano/UNTV Radio)