Malacañang, nagbabala sa mga LGU na hindi matatapos ang pamamahagi ng Social Amelioration ngayong Abril

by Radyo La Verdad | April 28, 2020 (Tuesday) | 4901

METRO MANILA – Nagbabala ang Malacañang sa mga lokal na pamahalaang papalyang matapos ang pamamahagi ng Social Amelioration ngayong Abril. Partikular na dito ang ayudang pinansyal para sa mga pinaka-apektadong mamamayan ng coronavirus pandemic.

Maaari aniyang papanaguting sa aspetong administratibo at kriminal ang mga opisyal ng lokal na pamahalaang mapapatunayang nagpabaya.


“Pagkatapos po, magkakaroon na po ng show cause order kung bakit di sila dapat panagutin administravely and criminally. administravely and criminally may be held liable for dereliction of duty, it’s a form of graft,” ani Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson.

Tags: , ,