METRO MANILA – Bawal ang mass gatherings kabilang na ang mga religious gathering sa National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan hanggang April 4 sa ilalim ng ipinatutupad na NCR plus bubble.
Sa gitna ito ng Covid surge sa bansa.
Subalit, may anunsyo ang roman catholic archdiocese ng manila na planong magbukas at magsasagawa ng religious worship sa 10% church capacity simula March 24.
Kaya naman nanawagan si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa mga ito na na huwag iisantabi ang panuntunan ng IATF.
“ That will be contrary po to the decision of the IATF and we ask bishop pabillo not to encourage, iyong disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat. at kasama din po sa obligasyon ng estado ay sumunod din doon sa mga talaga ng panginoon na mamuno. So, I hope the bishop will not encourage noncompliance po with this IATF decision.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Sakali namang balewalain ng mga simbahan ang mahigpit na pagpapatupad ng General Community Quarantine sa NCR plus bubble, mapipilitan aniya ang pamahalaang gumawa ng kaukulang aksyon.
Posibleng ipasara ang mga simbahang lalabag sa panuntunan at hindi ito maituturing na paglabag sa probisyon ng saligang batas kaugnay ng pagbubukod ng simbahan at estado.
“Ang defiance po ng IATF resolution is not covered by separation of church and state. What is covered is the freedom to believe and the freedom not to endorse a religion. Pero in the exercise of police powers, we can order the churches closed, huwag sana pong dumating doon, bishop pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the church” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
(Rosalie Coz | UTV News)