Malacañang, manghahawak sa pangako ng China na di na magsasagawa ng bagong reclamation sa South China Sea

by Radyo La Verdad | February 6, 2018 (Tuesday) | 2185

Wala nang magagawa ang kasalukuyang administrasyon sa mga naitayo nang istraktura ng China sa South China Sea o West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng paglabas ng mga larawan at ulat na malapit nang matapos ang militarisasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Sec. Roque, ang tanging pinanghahawakan na lang anila sa ngayon ay ang pangako ng China na hindi na sila magsasagawa ng panibagong reclamation sa lugar.

Hindi rin nababahala ang Malacañang na magiging kontrolado na ng China ang West Philippine Sea dahil sa mga itinayong istraktura dahil wala pang insidente na nilabag ang China sa freedom of navigation.

Iginagalang din anila ang mga pahayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na ang pagtitiwala sa China ay gaya ng pagtitiwala sa isang magnanakaw.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,