Malacañang, kinundena ang pagpaslang kay Tanauan, Batangas Mayor Halili

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 4567

Tinawag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kasangga ng administrasyong Duterte sa giyera kontra iligal na droga ang pinaslang na alkalde ng Tanauan City, Batangas na si Antonio Halili.

Isang mahusay din aniyang local government official si Halili na kasangkapan sa pag-unlad ng Tanauan City.

Kinundena nito ang pagpaslang sa local government official na kilala sa kaniyang walk of shame campaign laban sa mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Nakiramay din ang opisyal sa mga naulila at mga residente ng siyudad at nangako ang pamahalaan na magkakaroon masususing imbestigasyon sa krimen at pagkamit ng hustisya para sa pinaslang na alkalde.

Tumanggi namang magkomento ang Malacañang hinggil sa pagkadawit ni Halili sa narcolist ng Pangulong Duterte.

Dead on arrival sa ospital si Halili matapos barilin sa flag raising ceremony sa Tanauan City Hall kaninang umaga.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,