Malacañang, kinumpirmang nagsumite ang Pilipinas ng diplomatic protests laban China

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 3714

Kinumpirma ng Malacañang na nagsumite na ang Pilipinas ng diplomatic protests laban sa China.

Kaugnay ito ng patuloy na militarisasyon sa West Philippine o South China Sea. Sakop nito ang installation ng anti-ship cruise missiles at air to air missile system sa Spratly Islands.

Gayundin ang pinakahuling insidente naiulat na nagkaroon ng harassment ang Chinese forces sa mga Pilipinong sundalo sa Ayungin Shoal noong ika-11 ng Mayo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ipamimigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahit isang pulgada ng ating teritoryo.

Ginawa aniya nito ang lahat ng kinakailangang diplomatic action sa lahat ng insidente sa West Philippine Sea nang walang fanfare o pagpaparangalan.

Tags: , ,