METRO MANILA – Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Batasang Pambansa na magde-deliver ng kaniyang ika-5 State Of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27.
50 mambabatas din ang nakatakdang dumalo sa SONA at di pa tiyak kung may mga miyembro ng gabinete na makakadalo ng personal sa ulat sa bayan ng Punong Ehekutibo.
Inaasahan namang sesentro ang sona ng Punong Ehekutibo sa coronavirus pandemic.
Naka-schedule na rin ang SONA rehearsal ng Punong Ehekutibo at patuloy ang ginagawang paghahanda ng Duterte admnistration kaugnay nito.
Samantala iginiit ng Malacañang na hindi prayoridad ng pamahalaan ngayon ang pagsusulong ng charter change.
Ito ang tugon ng palasyo sa akusasyon ng mga oposisyon na kahit sa gitna ng pandemya ay itinutulak ng administrasyong Duterte ang pagbabago sa saligang batas ng bansa.
At ito ay sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government at League of Municipalities.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: SONA 2020