Kapwa pinataob ng three-time runner-up PNP Responders at Season 3 runner-up Malacañang Kamao ang kani-kanilang mga katunggaling koponan nitong nakaraang linggo upang makapasok sa best-of-three championship series ng UNTV Cup Season 5.
Muling dumaggungdong ang Pasig City Sports Complex sa ingay at sigawan ng mga fans at supporters ng apat na magigiting na koponan; ang PNP Responders kontra Judiciary Magis at ang Malacañang Kamao laban naman sa BOC Transformers.
Unang nagharap sa court ang PNP Responders kontra Judiciary Magis. Sa una hanggang sa ikatlong round ng laban ay nanguna ang Judiciary Magis at natapos ang 3rd quarter na lamang ang Magis ng labing-dalawang puntos, sa score na 64-52. Ngunit pagdating ng last quarter ay tinanghal na panalo ang PNP Responders na lumamang ng dalawang puntos, sa score na 74-72.
Kasunod namang nagharap ang Malacañang Kamao at ang BOC Transformers. Naging mainit din ang laban na ito dahil sa dikit na puntos. Lamang ang Transformers ng sampung puntos sa pagtatapos ng 2nd quarter ngunit sa final quarter ay tinanghal na kampeon ang Malacañang Kamao sa score na 80-76.
Samantala, binigyan ng pagkilala ng Philippine Sportswriters’ Association ang natatanging Public Service liga sa bansa noong nakaraang Linggo, Pebrero 12, 2017 sa Pasay City dahil sa kakaibang konsepto ng UNTV Cup sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.
(John Lester Villegas/Radyo La Verdad Student Reporter)
Tags: Malacañang, Malakanyang, PNP, pnptransformers, untvcup