Itinanggi ng Malacañang na may kaugnayan si Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.
Ayon sa pahayag ni Gen. Reginald Villasanta, Executive Director ng PAOCC, hindi kailanman aniya naging operatiba si Marcelino ng naturang komisyon.
Wala rin aniyang ulat ng ongoing PAOCC operations na kasama si Marcelino.
Sa Marcelino ay naugnay sa PAOCC matapos sabihin ni dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director Dionisio Santiago na tauhan ni Ochoa si Marcelino sa PAOCC.
Si Marcelino, kasama ng isang 33 anyos na Chinese National, ay nadakip ng PNP Anti-illegal Drugs Group at PDEA sa isang joint operation sa pinaghihinalaang laboratoryo ng shabu sa Sta Cruz Maynila kahapon ng madaling araw.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Lt. Col. Marcelino, Malacañang, Presidential Anti-Organized Crime Commission