Malacañang, inaasahang maipapasa na ng Kongreso ang panukalang BBL sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 4044

Walang nakikitang dahilan ang Malacañang para hindi maipasa ng Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa itinakdang panahon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secreatry Harry Roque, nasa tanggapan na ng punong ehekutibo ang panukalang batas. Nais matiyak ng pangulo na magkapreho ang bersyong ihahain ng dalawang kapulungan ng Kongreso bago ma-certify as urgent ito ng punong ehekutibo.

Tiwala ang Malacañang na maipapasa ang proposed BBL bago matapos ang buwan ng Mayo.

Wala ring duda ang pamahalaan na ang panukalang batas na maipapasa ng Kongreso ay suportado ng iba’t-ibang stakeholders kabilang na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), mga Lumad at maging ng Moro National Liberation Front (MILF).

Samantala, posibleng tanggalin naman ng senado ang mga maituturing na unconstitutional provision sa panukalang BBL.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang aniya sa kanilang pag-aaralang mabuti ang usapin sa budget, special powers at opt-in provisions ng BBL.

Maging ang ipapangalan sa itatatag na Bangsamoro region ay komplikadong isyu rin para sa Senado.

Target na tapusin na ng Senado ang deliberasyon sa sarili nitong bersyon na BBL at tuluyan na itong ipasa sa susunod na linggo.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,