Balangiga bells, ibabalik ng US sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | August 13, 2018 (Monday) | 13514

Nakarating ang ulat sa Malacañang na plano ni US Defense Secretary James Mattis na ibalik na ang Balangiga bells sa Pilipinas.

Una nang lumabas sa mga report na ipinaalam na ni Mattis ang bagay na ito sa US Congress. Welcome naman ito kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa isang pahayag, sinabi nitong handa ang Duterte administration na patuloy na makipag-ugnayan sa US Government para tuluyan nang maibalik ang makasaysayang Balangiga bells sa bansa. Walang detalyeng ibinigay kung anong petsa ito maisasauli.

Noong 2017 pa ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika ang tatlong Balangiga bells bilang bahagi ng ating national heritage.

Kinuha ito ng mga Amerikanong sundalo noong 1901 sa Balangiga, Samar bilang war booty o ari-ariang nakumpiska mula sa nagaping higit 2,500 mga Pilipino na nagtanggol at nasawi dahil sa pananakop ng mga dayuhan.

Sa kasalukuyan, nasa 9th US Infrantry Regiment sa South Korea ang isang kampana, habang ang dalawa naman ay nasa F.E. Warren Air Force sa Wyoming.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,