Malacanang, iginiit na hindi magkakasalungat ang pahayag nina Pangulong Duterte, DND at DFA sa isyu ng Benham Rise

by Radyo La Verdad | March 16, 2017 (Thursday) | 2170


Muli namang iginiit ng Malacanang na walang nangyaring incursion nang maglayag ang mga barko ng China sa Benham Rise noong nakalipas na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, research lang ang ginawa ng survey ships ng China sa lugar gaya ng naging kasunduan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanindigan rin ang palasyo na walang conflict o pagkakasalungat sa mga ibinigay na pahayag nina Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana at maging ng Department of Foreign Affairs sa isyu.

Magugunitang noong nakaraang linggo, sinabi ni Defense Secretary Lorenzana na inatasan niya ang Philippine Navy na itaboy ang mga barko ng China kapag namataang muli malapit sa benham rise.

Habang noong lunes ay sinabi ng pangulo na may kasunduan sila ng China at ipinaalam na sa kanya ang planong paglalayag sa lugar ng mga barko nito.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,