Malacañang, humiling ng kooperasyon ng mga motorista dahil sa mabigat na daloy ng trapiko ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 1386

LACIERDAHumiling ng kooperasyon ang Malacanang ng mga motorista dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa kamaynilaan ngayong holiday season.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, hindi nawawala sa kanilang agenda ang problema sa trapiko lalo na ngayong holiday season.

Kaya naman naglalatag aniya ng hakbang ang gobyerno para mapagaan ang bigat ng daloy ng mga sasakyan.

“Normally, traffic during the holiday season will increase so we are cognizant of that and therefore measures will be taken to ensure that we try to mitigate the inconvenience caused by the traffic to our public.” pahayag ni Lacierda.

Nakiusap ang kalihim sa mga motorista na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagsunod sa mga batas trapiko.

“At the same time, we also, again, reiterate our request for our motorists to cooperate with our authorities when it comes to following the traffic rules as laid down by our authorities and also by our HPG, especially in EDSA.” dagdag ni Lacierda.

Nauna nang ipinahayag ng Malacañang ang ginagawang solusyon ng gobyerno sa isyu ng trapiko na gaya ng paglalagay ng PNP Highway Patrol Group upang magmando ng trapiko sa EDSA at pagpapatayo ng SLEX to NLEX connector road para naman makatulong sa pagpapaluwag ng daloy ng mga sasakyan sa kamaynilaan.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,