Malacañang, hahayaan ang Kongreso na resolbahin ang hindi pagkakasundo sa paraan ng pagbabago ng Saligang Batas

by Radyo La Verdad | January 24, 2018 (Wednesday) | 2684

Wala pa ring napagkakasunduan ang mataas at mababang kapulungan ng Kongreso kung ano ang gagamiting paraan upang amyendahan ang Philippine Constitution.

Ngunit ayon sa Malacañang, kahit na prayoridad ng Duterte administration ang pagbabago sa pamahalaan ng Pilipinas mula sa unitary patungong federal form of government.

Hindi ito makikialam sa isyu sa pagitan ng Senado at Kamara at hahayaan ang mga ito na resolbahin ang usapin.

Tiwala naman ang Malakanyang na naiintindihan ng Kongreso ang pauli-ulit na sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw nitong palawigin pa ang kaniyang termino.

Nabuksan ang usapin nang ipinanukala ito ni Senate President Koko Pimentel para sa transition period ng bansa sa pederalismo.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,