MALACAÑANG, Philippines – Bukas ang Malacañang sa panukalang ibalik ang kontrobersyal na Dengvaxia kung makakatulong na pababain ang kaso ng dengue sa bansa.
Tugon ito ng palasyo nang tanungin sa pananaw hinggil sa binanggit ni dating Health Secretary at Ngayo’y Iloilo First District Representative Janette Garin na naiwasan sana ang kasalukuyang dengue outbreak sa bansa kung di itinigil ang Dengvaxia Vaccination campaign.
Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinakailangang matalakay nang mabuti ang usapin at dapat suportado ng mga eksperto ang muling pagbabalik ng Dengvaxia.
“We’re always open to anything that will benefit the filipino people. We’re not close to any suggestion.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | Untv News)
Tags: dengue, DOH, Malacañang