Malacañang, bukas na makipagdayalogo sa iba’t-ibang religious group sa bansa

by Radyo La Verdad | June 27, 2018 (Wednesday) | 4225

Handang makipagdayalogo ang pamahalaan sa iba’t-ibang religious group sa bansa kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, noong Lunes ay bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng three-man committee na makikipag-usap sa Simabahang Katolika at iba pang religious group.

Ang komite ay binubuo ni Secretary Roque, Boy Saycon at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella.

Ayon kay Sec. Roque, layunin ng pakikipag-usap na maiwasan ang hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga religious organizations.

Tiwala naman si Sec. Roque na hindi mababawasan ang suporta ng taumbayan kay Pangulong Duterte dahil sa pangyayaring ito.

Nanindigan din ang Malacañang na walang nilalabag ang punong ehekutibo sa konsepto ng separaration of church and state.

Sinabi pa ni Sec. Roque na hindi naman masisisi ang Pangulo sa kanyang mga banat sa Simbahang Katolika na nagbitiw din naman ng masasakit na salita noong nangangampanya pa lang ang punong ehekutibo.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,