Malacañang, binalewala ang babala ni VP Robredo na isisiwalat ang nadiskubre sa Anti-Drug War

by Erika Endraca | November 26, 2019 (Tuesday) | 26543

METRO MANILA – Binalewala lamang o isinantabi ng malacañang ang babala ni Vice President Leni Robredo na isisiwalat ang mga nadiskubre sa anti-drug war ng pamahalaan matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto bilang Co-Chairperson Ng Interagency Committee On Anti-Illegal Drugs  (ICAD).

“Sa mga susunod na araw, magbibigay ako ng ulat sa bayan. Sasabihin ko ang aking natuklasan at ang aking mga rekomendasyon. Kung sa tingin nila matatapos ito dito, hindi nila ako kilala. Nagsisimula pa lamang ako.“ Kung pareho naman ang ating layunin, bakit hindi na lang tayo magtulungan? Hindi ba talaga sila seryoso sa laban? O may interes ba tayong nabangga? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan?” ani Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Panelo, lahat naman aniya ng sinasabing natuklasan nito sa anti-drug war ay ang na-access niya. Binigyang-diin din ng opisyal na ang kaniyang dismissal ay bunga ng kaniyang incompetence at pagpalyang gumawa ng bagong istratehiya sa paglaban sa operasyon ng iligal na droga.  Dagdag pa ni Panelo, tinimbang aniya ang Pangalawang Pangulo ngunit nasumpungang kulang ito.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,