Makukulay at mga kakaibang disensyo, tampok sa pagbubukas ng taunang International Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 3136

balloons
Binuksan na ngayong araw ang 20th International Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Department of Tourism, tinatayang aabot sa mahigit dalawandaang libong lokal at dayuhang turista ang pupunta sa hot air balloon fiesta na tatagal ng apat na araw.

Tampok dito ang ibat-ibang programa tulad ng paragliding, sky diving exhibition, aerobatic show at ang pinaka-aabangang hot air balloon flight.

Habang ini-enjoy ang makukulay at naglalakihang balloons ay maaari ring mag-bonding ang magpa-pamilya at magba-barkada.

Ngayong 2016, mahigit sa tatlumpung hot air balloon na may iba’t-ibang hugis at disenyo mula sa ibang bansa ang kalahok sa festival.

Mayroong hugis dragon, mukha ng dalawang batang babae at lalake at ang kalahok na bagong hot air balloon na ang disenyo ay hango mula sa watawat ng Pilipinas.

Nagsimula ang hot air balloon festival noong 1993 sa layuning mapalago ang noo’y matamlay na turismo sa probinsya.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,