Makati Vice Mayor Romulo Peña, dudulog sa Korte Suprema

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1745
Photo grabbed from UNTVWeb.com
Photo grabbed from UNTVWeb.com

Sasangguni si Makati acting mayor Romulo Peña sa Supreme Court (SC) para hinggin ang panig nito kaugnay sa ipinalabas na temporary restraining order mula sa Court of Appeals laban sa suspension order kay incumbent mayor Junjun Binay.

Matatandaang nanumpa si Peña bilang acting mayor matapos ihain ng Department of the Interior and Local Government kay Binay ang suspension order mula Office of the Ombudsman kaugnay sa kaso ng umano’y anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking 2 building.

Layon ng pagdulog ni Peña sa Korte Suprema na alamin ang posibleng legal consequences at liability kung patuloy na susunod ito sa direktiba ng DILG

Nauna rito ay naghain ng petisyon si Binay sa Court of Appeals para i-cite for contempt si Peña, DILG Secretary Mar Roxas at ilang opisyal ng Philippine National Police dahil sa pagsuway ng mga ito sa TRO na inilabas ng CA laban sa preventive suspension order.

Tags: , , ,