Makati RTC Branch 150, tumanggi ring maglabas agad ng alias warrant of arrest kay Sen. Trillanes

by Radyo La Verdad | September 10, 2018 (Monday) | 4123

Noong ika-7 ng Setyembre, nagfile ng urgent omnibus motion ang DOJ sa pamamagitan ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon para agad sanang makapag-issue ng warrant of arrest at hold departure order nag Makati Regional Trial Court Branch 150.

Pero nagdesisyon si Judge Elmo Alameda na pasagutin muna dito si Trillanes at itinakda ang pagdinig sa mosyon sa Biyernes, ika-14 ng Setyembre, ganap na alas nuwebe ng umaga. Paliwanag ng huwes, matagal nang na-dismiss ang kasong rebelyon ni Trillanes.

May issue na rin aniya sa constitutionality sa iniakyat sa Korte Suprema tungkol sa revocation ng Proclamation 75 na nagbibigay ng amnestiya kay Trillanes, at posibleng mabalewala na ang mga isyu kung agaran nilang kakatigan ang mosyon ng DOJ.

Una namang tumanggi ang Makati RTC Branch 148 sa hiling ng DOJ na agad maglabas ng warrant of arrest laban kay TRILlanes at sa halip ay nagtakda rin ito ng pagdinig sa mosyon ng DOJ sa Huwebes, ika-13 ng Setyembre.

Kaya malinaw sa ngayon, wala pang anomang arrest warrant o hold departure order na inilalabas ang mga korte sa Makati laban kay trillanes.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,