Makati Mayor Junjun Binay, dapat manatili sa poder – Sen. Nene Pimentel

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1712

NENE PIMENTEL

Naniniwala ang pangunahing author ng Local Government Code na si dating Senador Aquilino Pimentel Jr na nananatili pa rin bilang alkalde ng Makati City si Junjun Binay.

Salungat ito sa mga naging pahayag nina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Department of Justice Secretary Leila De Lima.

Ayon kay Pimentel, hindi maaaring mangibabaw ang oath taking ni Vice Mayor Kid Peña sa kautusan ng Court of Appeals na pumipigil sa pagpapatupad ng suspension order ng Ombudsman laban kay Binay.

Aniya, dapat munang manatili si Binay sa pwesto hangga’t hindi nareresolba ng mataas na hukuman gaya ng Korte Suprema ang naturang isyu.

SI Pimentel Jr ang ama ni Senador Koko Pimentel na isa sa mga nagunguna sa imbestigasyon ng umano’y katiwalian ng pamilya Binay sa Makati City.

Ugat ng suspensyon ni Mayor Binay ang isyu sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall Parking 2 Building.

 

Tags: , , , , , ,