Makati Mayor Junjun Binay at Court of Appeals, pinasasagot ng Korte Suprema sa petisyon ng Ombudsman

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1733

binay

Inatasan ng Korte Suprema ang Court of Appeals at ang kampo ni Makati Mayor Junjun Binay na magsumite ng comment sa inihaing petition for certiorari and prohibition ng Office of the Ombudsman.

Sa nasabing petisyon, hinihiling ng Ombudsman sa Supreme Court na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa inisyung TRO ng Court of Appeals laban sa preventive suspension order kay Mayor Binay.

Giit ng Ombudsman, ipinataw ang suspension sa alkalde upang huwag nitong maimpluwensiyahan ang takbo ng imbestigasyon sa mga kinakaharap na isyu gaya ng diumano’y corruption sa pagpapatayo ng Makati City Parking Building 2.

Sinabi rin ng Ombudsman sa petisyon na bilang isang independent constitutional body, may kapangyarihan itong magpataw ng suspension order laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Dapat rin umanong itigil ng Appellate Court ang proceedings sa mosyon ng kampo ni Binay.

Tags: , , ,