Makati Mayor Binay, pinatawan ng preventive suspension

by monaliza | March 11, 2015 (Wednesday) | 2193


BinayJunjunSinuspinde ng Office of the Ombudsman si Makati City Mayor Junjun Binay at iba pang opisyal kaugnay ng isyu ng Makati City Hall Building 2

Epektibo ang preventive suspension sa loob ng anim na buwan habang umaandar  ang imbestigasyon sa kaso.

Bukod sa alkalde, ilan pang opisyal ang isinailalim sa preventive suspesion  kabilang sina:
– City Budget Officer Lorenza Amores

– City Accountant Cecilio Lim III

– Acting City Accountant Eleno Mendoza

– City Treasurer Nelia Barlis

– CPMO Engineers Arnel Cadangan, Emerito Magat at Connie Consulta

– CPMO Chief Line Dela Peña

– Bids and Awards Committee (BAC) Secretariat Heads Giovanni Condes at Manolito Uyaco

– BAC member Ulysses Orienza

– Technical Working Group (TWG) Chairman Rodel Nayve

– General Services Department (GSD) OIC Gerardo San Gabriel

– GSD staff member Norman Flores

Samantala, ipinaliwanag ng Ombudsman na hindi sakop ng suspensyon si Vice President Jejomar Binay dahil naganap ang sinasabing anomalya noong alkalde pa ito at ang hawak niyang pwesto ay may kaakibat na immunity at maaari lamang itong matanggal sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment.

Pinagsusumite ng counter-affidavit ng Ombudsman sina Mayor junjun, VP Binay at higit 20 iba pa ukol sa reklamo.

Tags: , , , ,