Makati Mayor Binay, pansamantalang umalis ng city hall

by Radyo La Verdad | July 1, 2015 (Wednesday) | 1057

Mayor-Binay
Pansamantalang nilisan ni Mayor Junjun Binay ang Makati City Hall habang hinihintay ang desiyon ng Court of Appeals sa hinihiling nito na temporary restraining order kaugnay ng umano’y overpriced na gusali ng Makati City Science High School.

Ayon kay Binay, sampung araw pa ang kanilang hihintayin bago maglabas ng desisyon ang CA sa kanilang kahilingan na maipawalang bisa ang preventive suspension order ng Ombudsman.

Nagpapasalamat ang alkalde sa suporta ng mga taga-Makati na hindi siya iniwanan.

Tumututol naman ang ilang Binay supporters na lisanin ang city hall subalit ayon kay Binay, ayaw na niyang maulit pa ang kaguluhang nangyari kahapon kung saan may ilang taga-suporta ang nasugatan.

Sa ngayon ay unti-unti nang nagsisiuwian ang mga tao sa labas ng Makati City Hall subalit nakaantabay parin ang mga pulis hanggang sa mga oras na ito.(Joms Malulan/UNTV Radio Correspondent)