Makalanyang, pinanindigang hindi nais ni Pangulong Duterte na palawigin ang kaniyang termino

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 3202

Agad umani ng batikos sa oposisyon ang sinabi ni Senate President Kiko Pimentel na posibleng mapalawig ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay upang bigyang-daan ang transition period ng bansa sa pederalismo.

Ayon sa kay Liberal Party Senator Francis Kiko Pangilinan na ang pagbabago sa Saligang Batas at sistema ng gobyerno ay hindi lang magpapahaba sa termino ng Pangulo kundi pagbibigay din ng dagdag kapangyarihan sa kaniya. Isa aniya dito ang paggawa ng mga batas na hindi na dadaan sa Kongreso.

Subalit mariing pinabulaanan ng Malakanyang ang usapin ng term extension.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang nais ang Pangulo na pahabain ang kaniyang termino dahil ang gusto talaga nito ay paikliin pa kung maaari.

Samantala, nilinaw naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang isyu ng no election scenario. Aniya, ito ay posibleng mangyari sa 2019 senatorial elections at hindi sa 2022 Presidential polls. Dagdag ni Alvarez, maari namang ituloy ang halalan para sa local positions at sa mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso sa 2019.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,