Makabayan Bloc, kumalas na sa super majority coalition sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 2577

Maka-imperyalista at kontra-mamamayan, ganito na kung ilarawan ng Makabayan Bloc ang administrasyong Duterte. Kasabay nito inanunsyo ng Makabayan Bloc ang pagkalas sa majority coalition sa Kamara.

Kabilang sa mga isyung tinututulan ng grupo ang death penalty bill, war on drugs ng pamahalaan, martial law, tax reform package, defunding ng Commission on Human Rights at iba pa.

Dismayado rin ang mga ito sa pagkakareject sa appointment nina Judy Taguiwalo sa DSWD, Gina Lopez sa DENR at Rafael Mariano sa Department of Agrarian Reform.

Sa palitan naman ng text message ni Congressman Tinio at Majority Floor Leader Congressman Rodolfo Fariñas, sinabi ni Fariñas na iginagalang niya nag desisyon ng Makabayan Bloc.

Dahil sa pagkalas ng Makabayan Bloc sa super majority ay maaalis ang kanilang membership sa mga komite. Ibig sabihin, maaari na lamang silang dumalo at makiisa sa mga committee hearing ngunit mawawalan na sila ng karapatang bumoto.

Umasa naman ang malakanyang na sa kabila ng desisyong ito ng grupo ay makikiisa at makikipagtulungan pa rin sila sa pam ahalaan lalo na sa mga isyu may kinalaman sa mga mahihirap at pro-people issues.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,