Makabayan bloc, iaapela ang muling pagbubukas ng debate death penalty reimposition bill

by Radyo La Verdad | February 23, 2017 (Thursday) | 2762


Dismayado ang Makabayan bloc sa biglaang pagtatapos ng debate kagabi para sa pagpapasa ng kontroberysal na death penalty reimposition bill.

Ayon kay ACT Teachers Representative Antonio Tinio, sa pagpapatuloy ng sesyon sa susunod na linggo ay igigiit nila na buksang muli ang debate sa plenaryo.

Malinaw aniya na masyadong minadali ang pagpapasa ng panukalang batas na hindi umano na pinakinggan ang argumento ng ilang mambabatas.

Sa Lunes inaasahang uusad muli sa plenaryo ang period of amendments para sa naturang panukala.

Tags: , , ,