Makabayan bloc, bagsak ang ibinigay na grado kay pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 2129

MAKABAYAN BLOC
Bagsak na grado ang ibinigay ng Makabayan Bloc sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Teri Ridon, puro pambobola lang ang ginawa ng Pangulo.

Sinisiraan umano ng Pangulo ang lahat ng tao maliban ang kaniyang sarili.

Pagkatapos ng SONA kanina, tumayo at nagtaas ng placard ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Ayon kay Ridon, ito pagpapakita na hindi lahat ng Pilipino ay kuntento sa mga nagawa ng Pangulo sa loob ng kaniyang limang taong termino.

Hindi umano napigil ang pagtaas ng matrikula at ibang pang mga bayarin sa eskwela.

Bukod dito hindi rin nadagdagan ang capital outlay ng State Colleges and Universities, kaya nangangailangan pang magtaas ng tuition at miscellanous ang mga ito upang makapagpatayo ng mga bagong gusali at maisaayos ang mga pasilidad.

Kumpyansa naman si Tesda Sec. Joel Villanueva, na hindi mapapasinungalingan ang mga inilatag na datos ng Pangulo sa kanyang mga nagawa sa loob ng limang taon ng kanyang panunungkulan. ( Jeck de Ocampo/ UNTV Radio)

Tags: ,