Napapabilis na ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa mga krimen sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong I.T. System.
Ayon kay Directorate for Investigation and Detective Management P/Dir. Benjamin Magalong, halos kumpleto na sila ng mga equipment para sa mas maayos, mabilis at accurate na imbestigasyon sa kaso o krimen.
Ito ang ginamit sa imbestigasyon sa Mamasapano operation, sa Enzo Pastor case at maging ang umano’y pagkalat ng fake rice sa Davao at sa mga kidnap for ransom group
Mayroon din silang case information data base na magsisilbing notebook ng mga imbestigador na makatutulong sa pagtukoy ng mga wanted at pinaghahanap ng batas.
May sisitema rin para sa national police clearance kung saan matapos ang biometrics ay agad na matsi check kung may kaso ang isang applikante.
Ang bawat police station ay mayroon ringe-warrant system upang mabilis na madakip ang isang suspek, na natagpuan sa area na nasasakupan ng istasyon
May e-rogue gallery kung saan ini encode ang lahat ng nahuling suspect
Mayroon ring facial recognition system na nakapagbibigay ng mga ka match na mukha na nasa database.
Mayroon din silang Crime Information Reporting and Analysis System o CRAS kung saan makikita ang statistics ng krimen na nangyari sa isang lugar, anong eksaktong address at sino ang suspek.
Bukod sa mga I.T. facility, sumasailalim din ang mga tauhan ng PNP sa investigation training
Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, importanteng maging bihasa ang mga pulis sa pag iimbestiga
Kaya naman sinabi ng heneral na magtutuloy-tuloy ang training ng mga tauhan ng PNP lalo nat mayroon na silang facilities kung saan mas matututo ang mga pulis.
(Lea Ylagan/UNTV News)
Tags: Directorate for Investigation and Detective Management P/Dir. Benjamin Magalong