Bilang bahagi ng pagapalawak sa kampanya upang masugpo ang cervical cancer sa bansa at kasabay ng pagdiriwang ng Cervical Awareness Month.
Ipinakilala sa mga kababaihan ang isang makabagong paraan upang maagapan ang pagkakaroon ng cervical cancer.
Isa ang Manila Medical Center sa may mga may center for women’s health kung saan sinusuri ang mga kababaihan at may makabagong paraan ng pangagamot gaya ng colposcopy treatment.
Ang colposcopy ay isang medical equipment na gumagamit ng digital technology upang makita ang loob ng isang cervix o matres ng isang babae.
Ito ay isang diagnostic test upang malaman kung may gasgas o may mga bukol ang cervix ng isang babae o kung positibo ito sa cervical cancer.
Sa pagtitipon-tipon ng mga ob-gyncologist ngayong araw, iprinisinta kung ano ang mga indikasyon ng pagkakaroon ng cervical cancer ng isang babae at maging ang kahalagahan ng HPV vaccine.
Pinapayuhan ang mga kababaihan lalo na ang mga may partner o asawa na bisitihan ang pinakamalapit na health centers at magpa- pa pap smear isang beses sa isang taon upang masiguro na walang namumuong infection sa reproductive organ ng isang babae.
Huwag din ipagpaliban ang pag-konsulta sa mga ob-gyne kapag nakakaranas ng madalas na pagdurugo o discomfort sa reproductive organ gayundin kung hindi buwanang nagkakaroon ng menstruation ang isang babae.
Pinapaalalahanan din ng mga doktor na tumugon sa panawagan ng DOH na magpa- hpv vaccine ang mga babae mula 9 years old hanggang 45 years old at mas epektibo ang bakuna habang bata pa.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)